uhhmm. :)))

Disyembre 31, 2009 bandang 11:35 umaga | Ipinaskil sa Special 'to. | 4 mga puna
Mga kataga ,

Sorry sa late kong pabati. Nakakaadik kasi ang FACEBOOK! Hahaha. I’m sure aagree sakin sina Kuya Jason, Ate Joan, Kuya Ote at marami pa. HAHAHA .

Pero, Maligayang Pasko po sa lahat! :)))

Ano bang date ngayon?

Disyembre 31, 2009 .

— ang huling araw ng taong 2009. Taon kung saan nagkaroon ng isyu ang pulitika, ang mga mamatay tao, ang mga kriminal, at iba pa. Taon din ito kung saan ang mga bata ay nagtransform bilang isang mature na teenager. Taon kung saan natuto tayong magkaisa at ibalik ang totoong diwa ng pagiging Pilipino. Napakamemorable nitong taong to. Siguro, isa ito sa mga taong hindi ko, mo, at niya malilimutan.

Ngayong gabing ito magsisimula ang countdown para sa paparating na taon. Taon na puno ng hiling, ng mga pangako at ng mga minimithi. Pero bago maganap yon. Nais muna kitang batiin ngayon ng ..

ISANG MALIGAYA AT MANIGONG BAGONG TAON!

Sana’y patuloy kang basbasan ni Bro sa biyahe ng iyong buhay. Ingat 🙂

Advertisements

“‘coz freshies are after you!”

Nobyembre 28, 2009 bandang 3:15 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., Contest., FRAGILE: with photo or video., share lang! | Mag-iwan ng puna
Mga kataga , , ,

haha. So, this is a late post. November 13, 2009 (uy, may nangyari ding cheesy dun, daba KAPATID? 😀 pero wag na nating ungkatin yun..) Nagwagi ang FRESHMEN sa Cheering Competition! Oo,  nagsimula yun nang nabighani namin ang judges sa aming ‘cute’ na sayaw .. wahahahaha! =)))))) Well, di naman na nag champion talaga kami, first runner up lang . Ok na yun .. We did our best at ang mahalaga nag ENJOY kami at masaya kami sa ginawa namin. =))

So, eto na ang pikachurss na ibabahagi ko:

Cheering Practice.

Balewala ang mga araw na supppeeer late na kami nakakauwi ng bahay at hindi na naabutan si Santino. Bilang First Year students, sobra na yun.

Freshmen Spirit.

Yan ang ispiritung hindi nagpapatalo! HAHA. Kahit baby pa kami (first year nga eeee…) kaya na namin makisabay sa sayaw ng buhay. 🙂

The White Parade.

HAHA. pauso ko lang yan. Kasi nga yung sa MCR (My Chemical Romance) Black Parade diba?!  hahaha. trreeep lang. Nyahaha. nababaliw na ko. wait, tingin ka dun sa gilid, yung parang ibong adarna na kulay green? Yun ang nagpa-panalo sa amin, ang mascot, si Jack Jugal. ORIGINALITY yan!

HAHA.

At syempre di naman namin makakalimutan ang mga taong nasa likod ng tagumpay na ‘to, Kung wala sila, wala talaga kami. Oo, promise. Totoo yun!

(l–r:  Mam Alvares, Mam Sabaneco, Mam Amilyn && my very own adviser Ms. Isaah Mae Cantillas)

Ang mga gurong walang sawang nagturo (at nagsaway at the same time) sa amin. Maraming salamat po, mam! Iniaalay po namin ang lahat ng ito sa inyo. :))

Eto nga po pala, kung gusto niyo mapanuod ang sayaw namin:

http://www.youtube.com/watch?v=GIqirFFIcKU

yan po yung link. wahaha . pero di pa yan yung official vid. :))

Btw, Congratulations din pala sa ALL-TIME Champions, ang SENIORS! Gumawa sila ng history, biruin mo yon! At hindi ako nagpapatawa, simula first year hanggang ngayon sila ang nag-CHAMPiON pagdating sa Cheering.

“Kudos, 4th year dudes!”

Photobucket

copied from: tingbaunto.blogspot.com

Thanks, ate Ting. :))

– Tootsie Roll 😉

tao.

Nobyembre 8, 2009 bandang 3:10 umaga | Ipinaskil sa bakit masama ?, Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., High School!!, share lang!, Special 'to. | Mag-iwan ng puna
Mga kataga , ,

Ayun. Diba pinangakuan ko kayong may kadugtong at previous post ko? So, eto na nga yun.

Eto na ang mga taong nagbigay kulay, at nagpasaya sa aking HiGH SCHOOL sa simula pa lamang.

Eto sila:

Syempre,  magsisimula tayo sa KimieLau.

KiMiel

(left–right: Kimberly Mae Salapare and Nomiel Rana)

Si Kim ay isang babaeng bakla. HAHA. malakas ang sense of humor. at kapag may topak e kung anu-anu ang pinaggagawa.

Una kong naging kakilala dahil sa anking ka-misteryosohan at kagandahan. Starstruck din ako sa kanya nung una, dahil sa seat plan namin e nakatalikod siya. HAHA. Ui, kim.. joke lang! LABYUU. 😀

– small but terrible
– beauty
– brains
– maganda ang penmanship
– top 5
– split and bending master
– loka loka

Si Miel naman ay isang average girl pero hindi siya common. Iba siya. Maganda daw sabi ng nakararami. Mukhang bruha sa mata namin ni Kim. (labyuu, miel!)

Unang una kong nakatext. At nakakwentuhan tungkol sa personal life. Naging close dahil sa similarities. Later on, napagtanto naming sobrang liit ng mundo naming dalawa (actually, naming tatlo).

– beauty
– brains
– ma-PR
– makulet
– mali*** (alm m n un!)
– addiction q, addiction dn niya.
– abnormal minsan pag may topak
– sobrang tahimik minsan pag may topak

sunod naman ang .. BES!

khirby

(Paul Khirby Bertumen Flores)

Si Khirby ay isang .. alam mo na.  ‘baddazlle!’ Pero ayaw niyang tinatawag siyang ganun dahil isa daw siyang babae. Complete with organs and body parts.

Always present sa lahat ng barkada hang outs! Di man lang umabsent ni minsan. Kaya hindi nale-late sa mga latest. HAHA.

– butipul 😛
– funny
– daming alam
– minsan may topak hndi nagsasalita at sobrang tahimik
– obsessed kay .. sir!

celinna

Si Celinna. Also known as ‘ang babaeng hindi nalo-low batt‘ . Grabe yan mang – asar. Sobra.  Kahit mga teachers, hindi tinitigilan. HAHA. Napaiyak niya na rin yung isa naming classmate, si Shella. (enemy daw ng lahat?)

Napaka – matulungin! Sobra. Yung tipong ‘pag wala kang pamasahe, ibibgay niya pamasahe niya sayo at siya maglalakad. (oo!) Sobrang bait. Promise.

– small but terrible
– magaling mag spiderwalk (bending habang naglalakad)
– kilos BOY
– pero GIRL
– pambato pagdating sa asaran
– super bait and mapagbigay

charm and dannah

(l–r: Charmaine Endaya and Dannah Rae Ladiao)

Si Charm ay yung taong hindi mo aakalaing tao pala. (HAHA.) Joke lang. Si Charm isang napaka-matalinong mag aaral, pero mapang-asar din at may sense of humor. Hindi siya Nerd or Geek, pero matalino.

As in, in a snap of a finger, tanungin mo siya, at masasagot niya. Hanga talaga ako.

– chubby
– but cute daw
– hindi daw pala cute
– maganda daw
– mahilig gayahin sila bHoy (ng NNNN), Gary V at Martin Nievera
– enemy si Melissa Ricks
– at patay na patay kay Jake Cuenca

Si Dannah naman hindi kasali sa BES wala lang talaga syang picture. At tinatamad ako maghanap.  Madaming nalalamang ‘pick-up lines’ na corny pero nakakatuwa. Tulad na lang nung minsang sinabi niya sakin na:

Dannah: Lau, alam mo, para kang brain cell ..
Ako:  Ha? Bakit naman? (gulat)
Dannah: Kasi lagi kang nasa utak ko.

isa pa, sinabi niya naman ito kay Kim:

Dannah: Kim, para kang Google..
Kim: bakit naman Google? Di ko website yun..
Dannah: Kasi na sa’yo na lahat ng hinahanap ko.

CHEESY BUT CORNY! hahaha..

– mdaming pick up lines
– topak kung topak
– adik kung adik
– ewan ko, baliw ata talaga

eto naman sila,  di kami close, OPEN lang:

rafael

Yung lalaking naka-split ng bongga, Yan si Rafael Ablaza.

Si Rafael ang bonggang bonggang gymnast at pambato ng I- Mercury. Super galing mag-back flip, nakaka elibs.  Matalino pa. San ka pa? Kay Rafael Ablaza na! HAHAHA.

Madami ding alam, tulad ng :

Rafael:  Anong hayop ang pumutok?
Ako: Ha? Anu?
Rafael: Edi .. DUuuUg! (Dog)

– the gymnast
– funny
– the spoof-er
– mdaming alam
– kulet

ronalynn

(l–r: Nomiel and Rona Lynn Aligan)

Si Ronalynn, taong magulo kausap. Pero makulet. BiPOLAR na abnormal. Minsan may sariling mundo kaya napagkakamalan. Good with words na english (kasi lumaki sa Chicago)

Blogger din. (dahil idol niya ako.. :D)

– neighbor
– the Illinois girl
– baypular
– addikk
– abnormal
– magaling gumawa ng quotes

—————————————–

[offtopic]

Ang sunod kong post ay tungkol sa aming gaganapin na Cheerdance Competition sa  Biyernes, Nobyembre 13.  Kasalukuyan namin itong pinaghahandaan ng bonggang bongga dahil labanan ito ng FRESHMEN (first year) , SOPHOMORES (second year),  JUNIORS (third year) at SENIORS (fourth year). Wooh! Sana may patunguhan ang lahat ng pag hihirap namin.

Nasa kamay na ni Lord lahat to. Kaya pinapaubaya na namin to sa kanya. 🙂


setyembre–nobyembre? what the!

Oktubre 29, 2009 bandang 3:58 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., High School!!, share lang! | 7 mga puna
Mga kataga , , , ,

Ha? Ano? Setyembre 27 ko naisulat ang huling post ko? Eh dalawang araw na lang Nobyembre na! Hala ka ..

Andami ko na palang atraso sa inyo .. Kayo kasi eh, di nyo ako tine-text! Hahaha. . Joke.

Ayun, kahapon eh katatapos lang ng aming 2nd Periodical Exam.

At ngayon, kasalukuyan naming nilalasap ang napakasarap na SEMBREAK o SEMESTRAL BREAK.

Sigurado akong ang reaction mo ay:

“buti kayo may sembreak”

o

“bakit yung iba wala? kayo lang ba anak ng Diyos”

HAHAHAHAHA.  Nakatutuwa.

Anyway, andami ko iku-kwento .. haha. Syempre, isang buwan tayo hindi nagkulitan, kwentuhan at nag chikahan.

Unahin na natin ang mga nangyayari sa loob ng klasrum.

First Period: TLE (Ma’am Cantillas)

Nothing na unusual, hindi ko naman sinasabing boring. Pero first subject kasi eh, parang wala pa masyado sa mood. FACT: dito ako madalas late.

Second Period: Science (Sir Alad)

favorite period namin to! Di naman sa favorite namin yung subject, it’s just that favorite namin yung teacher .. favorite …………… ASARIN!

Hahahahaha! Asar-talo samin yan si Sir Alad, lalo na ‘pag sinasabi niyang, “Did i tell you to stand?” banat namin, “Sir, did we tell you to talk?”  HAHAHA.

Third Period: Math (Mam Sabaneco)

Ok din naman. Masarap kaasaran ang PINAKABATANG TEACHER NG HIGH SCHOOL. oo! tama yung narinig mo. bongga kmi. 😀

RECCESS. 😀

Fourth Subject: Filipino (Mam Alvares)

Isa sa mga paboritong guro ng I-Mercury hindi lamang dahil sa lagi niya kaming pipuri tulad ng, “bakit naman kayo mahihigitan ng ibang section? eh samantalang nandito ang pinakamatatalino sa first year” kundi dahil humahanga kami sa galing niyang magturo at at the same time, mag disiplina. at plus pa dun yung humor niya. idol!

Fifth Subject: AP (Sir Flores)

Pinagpapantasyahan ng halos lahat ng kababaihan sa high School dahil sa angking kagwapuhan, kabaitan, sense of humor at kagalingan mag turo kung saan dumaan sa Fernando Magallanes sa pagpunta niya sa ‘Pinas. saludo!

Sixth and Last Subject: English (Mam Amilyn)

sabi niya pag ‘mam’ ang tawag mo sa teacher dapat first name ang gamit mo, pero kapag ‘ms/mrs’ last name dapat.  Hindi mahilig sa discussion to si Mam, puro conversation, minsan nga may time na ‘uto’ na lang ang ginagawa namin, dahil ang bilis niya mapasakay! haha.. At P.S., bawal mag tagalog sa klase niya. period.

SAYA SAYA ng high school life! Tama na sila. Sana wala nang katapusan ang drama, aral, lakwatsa, kalokohan, tawanan, mga kakaibang trip at asaran!

Kaya next time, ang mga tao naman na tumulong sakin para malaman at ma-realize na masaya talaga ang High School!

ABANGAN nyo yan. 😀

sapot ng gagamba ..

Setyembre 27, 2009 bandang 12:38 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., High School!!, pangarap., ta-artits! | 8 mga puna
Mga kataga , , ,

Nakakakita na ako ng sapot ng gagamba dito kay Tootsie. Grabe,  sobrang naging busy pala ako sa schoolworks at di ko na naasikaso ‘to. Sorry Tootsie, Sorry sa mga nagtatampo sakin. Hee. Bawi na lang ako. Pahahabain ko ‘to para sa inyo.

Una, gusto ko munang ibahagi sa inyo, ang isang maikling advice? Ewan ko kung advice ba to, o post na. Hahaha. Basta basahin niyo na lang. 😉

STICK TO ONE. Masarap makilala as stick to one, try niyo maging, one of the best compliments ever!

Kapag ikaw, may pagtingin ka pa sa ex mo, wag ka munang magpaka-attach sa panibago. Automatic REBOUND ang bago mo! Utang na loob! :)) Alam mo yung 3-month rule? USO YUN! Sa 3 months na yun try mong maging SINGLE.. Yung as in wala ka munang kiber sa kahit na sinong opposite sex, may commitment man o wala basta putangina 3-month rule sabi eh!

Okay sabihin na nating wala ka nang pagtingin, pero gusto mo pang pagtripan, papampam ka, tantanan mo na siya lalo na kung ikaw naman ang dahilan ng break up ninyo. Tapos may bago ka na, o kaya may bago na siya, basta nagmmove on na ang isa. Spell the word H-I-Y-A!

BEST FRIEND. BES. BEST. BESZ. BEZ. BESH. PUTANGINA WHATEVER YOU CALL IT. There’s no such thing as best friend. Oh walang kokontra, applicable lang naman to sa mga taong alam na ngang may malisya sa kanilang sariling so-called best friend ayaw pang aminin kahit mismo sa sarili nila. Apir tayo kung may kilala kang ganito ang sitwasyon! Ganito kasi yan, si girl at si boy may sari-sarili silang jowa, pareho silang committed kaya dinadaan nila sa BES SHIT para hindi halata. Hainako ang dami kong kilalang ganito! :)) Kung alam niyo lang, yung mga jowa niyo maytinatagong selos sa mga bes niyo! HAHAHAHA. Hindi sila tanga, nakakaramdam sila. DUH.

Hmmm, what else. Sige iba pang sitwasyon, maraming mukha ang cheating eh! KABIT. Magpapakakabit ka habang favorite mo ang kantang Kabit ni Gloc-9 ganun ba? Haha! Wag kanang kumabit sa may commitment na, kahit na sabihin mong gusto rin niya, eh kabit ka nga lang eh.Panira ka lang. Kayo namang mga adik, wag na kayong magkaroon ng kabit, para naman kayong walang girlfriend/boyfriend na tao eh!

SAMANTALAHIN ANG BAWAT PAGKAKATAON. GRAB EVERY OPPORTUNITY. Hay nako marami din akong alam na ganitong kwento ng buhay! Pareho silang committed, kaya naman kapag may pagkakataon silang makawala sa mga jowa nila, magkikita at magkikita yang dalawang yan tapos magdedate, magmomoment, magffeeling magjowa, and all that. Pwede ring isa lang ang committed sa kanila, basta bawat pagkakataon di nila palalampasin yan pramis! :))

INUMAN. “Bhe, lasing lang ako.” FUCK YOU! Isa pa, FUCK YOU! :)) Ieexplain ko pa ba to? Sige sige. In my YEARS of drinking alcohol, I’ve tried many kinds of alcoholic beverages. DUDE, kahit may amats ka alam ko at alam mong imposible na 0% ang awareness mo sa pinaggagagawa mo. There’s still something inside of you na alam na mali ang gagawin mo pero dahil psychologically speaking, iniisip mong nakainom ka, kaya GO KA LANG! In the first place, hindi ka rin dapat nakikipag-inuman sa kung kani-kanino lalo sa mga HOT. Or else gusto mong patayin sa nerbyos at pag-aalala ang jowa mo.

Para sa mga lalaki, “Lalaki ako, I have my needs!”. LINTEK KA, hindi girlfriend ang kailangan mo. SEX is one of the biggest aspects in cheating. Oh well, pwede rin pala sa mga babae ito. Ganun na ang henerasyon natin ngayon.

LIWALIW. You’re just having fun, when the cat is away, the mouse will play. Mahal mo siya kapag nandyan siya, kapag hindi mo siya kasama automatic single ka. Parang ayaw mong palampasin lahat nang isda sa dagat.

EXTRA SIM. 2ND YM ID. ETC. ETC. ETC. Cheater ka kapag meron kang medium of communication na tinatago mo sa jowa mo. Oh ano? Ganun ka ka-desperate na makausap kung sino man yung kinakausap mo nang patago? HAHAHA. Aminin natin yan may mga gumagawa nito. :))

EMPTY INBOX. NO SENT ITEMS. MARK ALL, DELETE. MARK, DELETE. Lahat man o pili lang na messages, bago ka makipagkita kay jowa dinidelete mo na ang mga mushy bullshit sweet nothings niyo ng “iba” mo. Hainako halata parin yan noh! Marami nang nagbreak or nagworld war 3 dahil sa cellphone! HAHAHA! Kasi naman, kung magbubura kayo, siguraduhin ninyong simot, minsan may natitira eh! Hahaha! Cheater kana nga lang di mo pa galingan diba! HAHAHA! (Sabay bigay ng advice na wag magpahuli eh noh!)

Nauubusan nako, sa dami ng tumatakbo sa isip ko kanina parang I can’t put them into words. Kahit medyo barubal pagkakasaad ko ng mga dakilang halimbawa, alam kong getching na getching niyo yan! AH BASTA..

NO TO CHEATING!

Galing nga pala ito kay mahiwagang Jeissel Flores (na hanggang ngayon pinasasalamatan ko pa rin dahil kung hindi niya ko naimpluwensyahan e siguro wala kang binabasa ngayon..) sa pag papapasok niya sakin sa mahiwaga niyang blog na puno ng quotes. Btw, tatlo ang blog niya, isa main blog, isa blog gallery at isa puro quotes. Dun tayo sa puro quotes, eto ang link:   click mo lang.

Sorry nga pala sa mga allergic sa foul words. E sa wala tayong magagawa niyan e. Haha!

Ibinahagi ko itong post na ito ni Jei dahil meron akong pinaglalaanan nito. Gusto ko lamang ma-realize niya na mali ang kanyang ginagawa sa buhay niya. Wish ko lang mapa-daan siya dito at mabasa ang post na ito.

Nagngangalan nga pala siyang  LIEMON , pag binaliktad.  Gets mo?

———————————————–

Ok, part 2.

Wahahahahaha! Sabi ko sayo e, mahaba tong post na ito.

May most unforgettable/happiest moment na ko!

Kelan? Saan? at Bakit?

Setyembre 24, 2009

Sa backstage ng UE Theatre

Dahil nakita at nahawakan ko ang Gigger Boys kasama ang aking mga kaibigang tunay.

At ako? Nayakap ko pa si ROBI DOMINGO!!!

Sorry walang mga pictures, blurred kasi lahat eh. Wala din kayong makikita ng maayos.

Grabe, si Sam Concepcion .. ngumiti pa samin with matching kindat, tapos sabi, ‘hey!’

Tapos si Dino Imperial, dumaan sakin. Hindi ko kasi siya napansin, akala ko simple na tao lang. Grabe, yung isa ko pang friend, hinawakan niya tapos sabi, ‘excuse me’..

At ang SHOUT OUT?

SUUUUUUUPPPPEEEER GWAAAAAAPOOOOO!!!

– yan lang ang masasabi ko.

‘PWEDE NA AKONG MAMATAY!’

– mga kaibigan ko.


newly elected officers *salute!

Setyembre 19, 2009 bandang 9:40 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., High School!! | 3 mga puna
Mga kataga , ,

Para sa mga tao, nais magpakatao, nagpapanggap na tao at mukhang tao, MABUHAY!

Nais kong ipakilala sa inyo ngayon, ngayon araw, ngayon oras ang mga bagong nahalal na peacemakers/pinuno/alalay/teacher’s pet/chenes/hindi/kaya/teachers/pet!

Haha! Abnormal. Anyway, ipapakilala ko muna yung mga dating officers:

Presidente: Charmaine Endaya
Bise Presidente: Karl Chua
Secretary: Khirby Bertumen
Assistant  Secretary: Joylen Alag
Treasurer: Allan Malonzo
Assistant Tresurer: Celinna Espena
Auditors: Shella Corpuz
Nomiel Rana
Business Managers: Kim Salapare
Joshua Torres
Srgt. At Arms: Camille Velano
MJ Saldivar

Muse: Lau Novio
Escort: Ezra Dechavez

Tapos, eto na yung bago. Find the difference:

Presidente:  Paul Khirby Bertumen

Bise Presidente: Lau Novio and Charmaine Endaya

Secretary: Kimberly Salapare

Assistant Secretary: Ezra Dechavez

Treasurer: Nomiel Rana

Assistant Treasurer: Celinna Espena

Business Managers: Elaica Victorio and Mark Joseph Saldivar

Sgt. At Arms: Rafael Ablaza

Muse: Enrimhar Anne Macatangay

Escort: Luigie Bungay

Basta yun. Hay Salamat! Tapos na ang bangungot ko bilang Lakambini ng I-Mercury. 😀

Anlayo ng inangat ko diba?

OMC!

Setyembre 12, 2009 bandang 3:25 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., High School!!, share lang! | 13 mga puna
Mga kataga , , , ,

OMC = Oh My Card!

Image0041 Kahapon e ibinigay na sa amin ang aming mga pinaka hihintay na report cards.

Hindi ako kinakabahan, ewan ko kung bakit. Basta hindi.

Naglaro pa nga kami ng bonggang bonggang ‘pass the message’, ‘i wanna be a tutubi’, ‘b, c  apple’ at ‘patayin sa sindak si JoyLen.

Pero halata namang joke lang yung huli dahil hindi naman mapapatay sa sindak si Joylen kundi mamatay ang sisindakin niya.

May chismis pa nga na may kamag-anak siyang mambabarang. (LABYUU, Joylen!)

Anyway, balik tayo dun sa Report Card.

Para sa akin, ambababa ng grades ko.

Sabi naman nila, antaas na daw nun. Ano pa daw ba gusto ko. Ganun daw talaga mag bigay ng grades sa UE.

Ang pinakamataas ko lang na grade e 92 at iyon ang mga asignaturang Araling Panlipunan at English.

Ang pinakamababa ko naman ay ang asignaturang MAPEH o Music, Arts, Physical Education and Health. Wag niyo nang tanungin kung ilan. Nakakahiya. MAPEH na nga lang C pa.  Sa bagay, buti nalang at hindi ako kabilang sa mga kaklase kong bumagsak. Palibhasa hindi umaattend.

Di bale, babawi ako sa second, third at fourth grading!

Magiging halimaw grades ko. Taga niyo sa lahat ng batong makikita niyo. Pati yung kay Darna pwede na.

[off topic]

Syangapala, para sa isang taong nag comment sa previous post ko  .. na nagsasaad nito:

pkialm q dian sa cllphone m?? pnagyybng mo !.. ddting ang pnhon na mssira dn yn !./. BWISIT .

Comment ni nino — Setyembre 7, 2009 # | Baguhin Ito

Pare/Mare,

Ganda ng timing mo .. birthday ko pa, nag comment ka ng ganyan.

Hindi naman kita inanyayahang bumista dito sa blog ko, at basahin yang post ko ah.

at FYI with exclamation point, Hindi ko po pinagmamayabang ang bago kong cellphone, ishe-nishare ko lang sa mga kapwa bloggers ko.

Kung ayaw mong makita yan, e bakit ka bumabalik balik dito?

At Last na to, Bakit ikaw pa ho ang may karapatang ma-bwisit? Dapat nga ho ako eh. Dahil sa mga taong katulad niyo, maraming nagpapatayan o nauuwi sa karumal dumal na sitwasyon.  (tulad nga kagabi na mayroong pinatay dahil sa kantang ‘NOBODY’)

Sorry ho sa pagkakawala ng respeto. Eh nakakawala naman po talaga ng respeto yang mga pinag gagagawa niyo e.

Sana ho eh maintindihan niyo.

mahiwagang telepono ;)

Setyembre 6, 2009 bandang 1:45 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., Hahahahahaha!, share lang! | 13 mga puna
Mga kataga , ,

Kahapon e pumunta kami sa mahiwagang SM upang bumili ng bagong cellphone para sa aming dalawa ng aking kuya.

Naaalala niyo ba nung nagpa-survey ako kung ano ang mas maganda, ang Nokia 5130 Xpressmusic, Nokia 5310 Xpressmusic o ang Nokia 7210 Supernova?

Oo! Yun! Kung isa ka sa mga nag-violent reactions dun sa post ko na yun, ituloy ang pagbabasa…

Sa kasamaang palad e napunta kay beloved kuya ang aking pinapangarap, pinagpapantasyahan at iniidolong cellphone, ang Nokia 5310 Xpressmusic. (na hanggang ngayon pinagluluksaan ako..)

Pero sa kabutihan naman ng mga mabubuting palad (meron ba nun?), napasakamay ko ang Nokia 7210 Supernova.

Napaka-macho ng phone na ito. At akala ko totoo yung mga nasa opinion boxes sa gsmarena.com na mahirap pindutin yung keypad. Di pala. Buti di ako nag-expect, ayoko kasi ma-disappoint. 🙂

Picture 001

May 2gb memory card siya, at 30mb external memory. Sa kasalukuyan, meron akong 30 songs na nakalagay sa memory card at 20 pictures sa phone.

Wahahaha! Nag-eenjoy naman ako. 🙂

————————

ngapala, sa mga gustong kumuha ng number ko, message niyo ko. or email me at: lourenze.novio@gmail.com 😉

tula na may kaek-ekan at iba pang iskempertush

Setyembre 2, 2009 bandang 10:57 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., High School!! | 8 mga puna
Mga kataga ,

Pinagawa kami ng guro namin sa asignaturang Filipino ng isang Tula na naglalarawan sa aming Pag-Ibig sa aming mga Ina.

(hndi ko alam kung bakit ang lalim ko magtagalog ngayon, pero epekto yata to ng paggawa ng tula. haha!)

Ang mga iskempertush ng nasabing tula:

  • Dapat may 12 sukat ito sa bawat parirala.
  • Dapat e tugma ang mga hulihan nito.
  • May 4 na taludturan
  • at 2 saknong.

Samakatuwid,  maikli lang ang tulang ito. Haha!

Mag-comment nalang kayo kung may future o potensyal ako sa pagsusulat ng tula o sobra nang galing na pwede na maging POOO-WEET (poet, bakeT?)

————————-

Pag-Ibig kay Inay

Laking pasasalamat ko sa Maykapal

Binigyan ako ng Inang minamahal

Ubod ng bait, ganda, walang kaparis

Mas matindi pa sa puno ng kamatis

Mga salita’y hindi maaaring gamitin

Oh, aking Inay, ikaw lang ay sa akin

Gagawin ang lahat upang maihandog

Ang pag-ibig kay Inay na siyang irog

————————-

Haha! Ok lang po ba?

Salamat sa naging inspirasyon ko sa paggawa ng tula,

si G. Andres Bonifacio

“salamat, dung! :)”


rampa!

Agosto 26, 2009 bandang 2:15 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., Contest., FRAGILE: with photo or video., High School!! | 17 mga puna
Mga kataga , , ,

Hello mga bonggang bongga kong mga bata’t matanda, may ngipin man o wala, mga walang bahay at nakikitambay at syempre ang mga 2 months old and below kong mambabasa, mabuhay! Mabuti naman at napunta ka dito.

Eto na ang sequel. Kung may New Moon ang Twilight at Toy Story 2 ang Toy Story, dumadagundong na nagmamalaki ang post na siguradong di kapupulutan ng aral. Ang ‘rampa’.

(nakanang intro!)

Last Tuesday, Agosto 18 e ginanap ang ‘Pista Sa Silangan’ ng University of the East.

Kung masugid kang tagasubaybay ng mga post ko e alam mo ang ibig sabihin nito. Isang malaking kahihiyan este karangalan.

Ang mga lakan at lakambini daw ay rarampa upang magrepresenta ng kanilang kaniya kaniyang probinsya. (dahil nga buwan ng wika)

May naaalala ba kayo?

Oo, ako rin. Si walanghiyang miel na ginawa akong lakambini sa unang araw ng pasukan.

Nung in-announce pa lang na rarampa nga kami, di ko na alam ang gagawin ko.  May naghu-hurimentado sa kalooblooban ko.

Whoo! So eto na lang, at ipapakita ko ang naging resulta ng pagrampa:

kasama si Lakan..

kasama si Lakan..

Pasensya kung medyo blurred at ‘zoomed’ yung picture. Bawal kasi lumapit e.

Go Lang!

Go Lang!

Oyea! Just walk the walk. 🙂

Go Lau!

Go Lau!

Sa pagkakataong ito, meron pang narinigang sumigaw ng “Go Lau!” hanggang sa makakaya ng throat niya kaya napatingin si isnaberang Tootsie. Haha!

At Eto:

Lakambini ng Samar . (nakanang!)

Lakambini ng Samar . (nakanang!)

Bongga! Nakakaloka! 🙂

————————-

Akala niyo ba dun na matatapos yon? Oyy, hindi pa. Haha!

Eto pa, ang behind the scenes rampa photoshoot, para lang sa inyo. 🙂

kasama si Miel, hindi pa nagbibihis ..

kasama si Miel, hindi pa nagbibihis ..

kasama naman si Celinna, di pa rin nagbibihis at di pa tapos ang make-up!

kasama naman si Celinna, di pa rin nagbibihis at di pa tapos ang make-up!

Nagbibihis kami . Hanapin niyo nga ako .

Nagbibihis kami . Hanapin niyo nga ako .

minemake-up-an ako dun sa may bandang likod, kaya maraming tao. :)

minemake-up-an ako dun sa may bandang likod, kaya maraming tao. 🙂

Nagtatakbuhan dahil simula na ng rampa ..

Nagtatakbuhan dahil simula na ng rampa ..

Ano? Nagsawa kayo sa mukha ko noh? Hahaha!

————————

Salamat nga po pala sa lahat ng nagcomment sa previous post ko. Salamat po sa mga namataang opinyon at kuro kuro (pati na din ang mga violent reactions).

Baka po next week e makita niyo na ang resulta sa ‘survey-like’ na post na iyon.

SALAMAT PO!

Bagong Pahina »

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.