uhhmm. :)))

Disyembre 31, 2009 bandang 11:35 umaga | Ipinaskil sa Special 'to. | 4 mga puna
Mga kataga ,

Sorry sa late kong pabati. Nakakaadik kasi ang FACEBOOK! Hahaha. I’m sure aagree sakin sina Kuya Jason, Ate Joan, Kuya Ote at marami pa. HAHAHA .

Pero, Maligayang Pasko po sa lahat! :)))

Ano bang date ngayon?

Disyembre 31, 2009 .

— ang huling araw ng taong 2009. Taon kung saan nagkaroon ng isyu ang pulitika, ang mga mamatay tao, ang mga kriminal, at iba pa. Taon din ito kung saan ang mga bata ay nagtransform bilang isang mature na teenager. Taon kung saan natuto tayong magkaisa at ibalik ang totoong diwa ng pagiging Pilipino. Napakamemorable nitong taong to. Siguro, isa ito sa mga taong hindi ko, mo, at niya malilimutan.

Ngayong gabing ito magsisimula ang countdown para sa paparating na taon. Taon na puno ng hiling, ng mga pangako at ng mga minimithi. Pero bago maganap yon. Nais muna kitang batiin ngayon ng ..

ISANG MALIGAYA AT MANIGONG BAGONG TAON!

Sana’y patuloy kang basbasan ni Bro sa biyahe ng iyong buhay. Ingat 🙂

huling banat: todo na ‘to!

Hunyo 13, 2009 bandang 2:17 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, High School!!, Nyek!, Special 'to., Toink$., Trip ko lang. | 14 mga puna
Mga kataga , , , , , , , ,

Di pa tapos yung title e, ‘huling banat, bago mag pasukan: todo na’to’  oyea! Haha.

Anyway, dapat e may magandang content ‘tong post na ito ngayon, kaso sa kamalasan nga naman ng buntot ng kabayo ng walanghiyang kaibigan ko e hindi pa niya naa-upload ang mga ‘pinagtripan’ namin pictures nuong nandito siya last thursday.

Hay nako.

Terez, kung nasaan ka man ngayon .. magtago -tago ka na !

Ka-imbyerna kang maldita ka, tago ka na kung ayaw mong ma-flying kick papuntang outer space!  (Jookee!)

Photobucket

‘Pag nakita niyo nga pala siya, ipa-alam niyo sa kinauukulan, okay?

Madalas siyang makita sa USTe (dahil dun siya nag-aaral)
at sa Quiapo (dahil dun siya palagi naghahasik ng lagim)

Anyway, Highway, Skyway, Norway, Don’t Block the Driveway Way,

Hmm .. Ano bang iku-kwento ko ngayon ..

Ah! Ipapakilala ko muna sa inyo ang bonggang bongga Blog ng ating mga sister!

ang ..

tunay na veyklas

Naka-relate ako dito. Madalas kasi ako magsalita ng salitang veyklang cheneloo.

Eto nga pala ang ..

Ang mga Palatandaan at Marka ng Isang Tunay na Veykla (repeat after me)

1. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super borlogs kapag may chance. Sleeping beauty galore para (1.) ganda ng fez at skin pagka-gising, (2.) para di ga-maleta ang eyebagey, at (3.) para mega energy sa rampa.
Exception: mga taong bangag ever sa bawal na gamot (pero ang mga gandarang veykla na bangag sa hormonal pills na pampadagdag boobs at pampawala ng bigote at hairla sa kilikili ay pasok!)

2. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega super text back. Kever kung sang lupalop man ng bansa. Afraid ma-warla ng jowa-jowaan sa text. Kinakarir din ang pagpapasaload sa mga betinang mhenchaluz.

3. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega long-ish mag-reply sa text. Di pwede ang reply na “K” lang. Sad ever agad kapag di tumutunog ang celphone to the tune ng kanyang latez fave dance tune hudyat na nagtext back na sa wakaz ang tinext n’ya 10 hours ago 10 times ng “Hi. Musta ang sweety ko?”. Meron din s’yang SIM ng lahat ng networks. Para text-proof at call-proof ang buhay

4. Ang TUNAY NA VEYKLA ay alam kung ano ang sinasabing “pekpek shorts” at meron s’ya nitwu o lihim na umaasam na magkaron nitwu. Parang little black dress baga, or kamison ni Mother Lily, dahil may powers itwung taglay.

5. Ang TUNAY NA VEYKLA ay never umaaming nag-e-extra rice.

6. Ang TUNAY NA VEYKLA ay either may (1.) parlor, (2.) bet tumambay sa parlor, (3.) or bet magkaron ng parlor balang araw kung makalusot kay fadir. (note: may mga tunay ding lalakeng tumatambay sa parlor at alam ng tunay na veykla kung ba’t sila andun)

7. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may either (1.) may “love handles” (not to be confused with the botchog bilbilicious ng mga menchaluz)–dahil na rin itwu sa kakajoin sa inuman ng mga menchaluz, or (2.) zuper payatollah sa pag-mumudil sa Malate, (3.) may abs para makabingwit din ng kapwa-ko-mahal-ko nilang umaasam din ng mga abs sa Malate.

8. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super dance diva sa dance floor or kahit sa shore ng Puerto Galera kung lasengga na.

9. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super mega-videoke ang libangang tunay. Ang range ng kanta ay mula sa napaka-birit na kantang “Wherever You Will Go” ng The Calling, “Half Crazy” ni Johnny Gill, hanggang sa super baba na “Emotions” ni Mariah Carey or “Listen” ni Beyonce. Keber na kung may karapatan man sila sumingalore o wala.

10. Ang TUNAY NA VEYKLA ay okrayera pa-simple man o harapan. O kahit sa kapwa tunay na veykla.

11. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best mag-deliver ng joke. Kahit ‘di na nagjo-joke.

12. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling magsulat ng kwentong ka-elyahan na OM to OM.

13. Ang TUNAY NA VEYKLA ay laging malinis ang p’wet.

14. Ang TUNAY NA VEYKLA ay hate kajoin ang mga tomboyitang babae na nagpapakalalaki.

15. Ang TUNAY NA VEYKLA ay napapa-ingles ‘pag nagagalit. Kahit di tama ang ingles, go lang ng go. Kahit mura lang.

16. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best sumagot sa Q & A portion.

17. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig sa beauty contests, kasali man sila o hindi.

18. Ang TUNAY NA VEYKLA ay kinakarir ang pagsali sa Ms. Gay contests mula Aparri hanggang Jolo.

19. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig magpa-contest ng mga Ginoong something something at magpasuot ng mga skimpy at white na trunks sa mga mhenchaluz na contestants.

20. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mabilis magkabisado ng mga mahahabang sagot sa Ms. Universe beauty pageant man or sa Binibining Pilipinas, o kahit sa barangay level lang.

21. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may soft spot sa mga (1.) construction worker, (2.) kargador, (3) security guard, (4.)sundalo, (5.) marino, aminin man o hindi.

22. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling umanggulo sa piktyuran man o sa halahan.

23. Ang TUNAY NA VEYKLA ay rampadora. Kering keri n’ya ang maglakad ng madaling araw mula sa Quiapo hanggang Fairview sa ngalan ng rampa. Kaya’t pasensya na sa mga mhenchaluz na namataan nila saktong sumisikat na ang araw. Tunay na veyklang hayok ang makikita nila.

24. Ang TUNAY NA VEYKLA, pag mayaman at tumanda na ay natural na napapatambay sa mga basketball courts ng mga schools na sikat.

25. Ang TUNAY NA VEYKLA ay madalas na pang-maton o pang-hoodlum ang pangalan. i.e. Amador.

HAHAHAHA! saludo talaga ako sa mga sisterette natin! Hindi magpapatalo kahit chenes ang churva! 🙂

————————————————-

titigan ang larawan ...

titigan ang larawan ...

Minsan talaga mapapa-isip ka kung tao ka ba talaga e noh! 🙂

——————————————

wuhouuu!
pasukan na namin sa monday (june15)!
t0too na talaga ‘to!
di na chenes!
medyo kinakabahan na ako..
first day high na ko!

Feeling ko: excited na kinakabahan pero confident. naks!

ano kayang mangyayari sa first day?
sana may maganap, exciting!
haha..

ano po ba ang dapat kong i-expect?
dapat po ba mataas o mga simple para hindi ma-disappoint?

kayo, ano po experiences nio sa first day nio as freshman? share naman dyan! bawal ma-damot, kukunin na ni Bro!

Onion Head Pictures, Images and Photos

———————–

Cge po, hanggang dito na lang po ako ..

Hehe ..

‘we – wentuhan ko nalang po kayo sa aking first day of school!

Happy Weekend! 🙂

sweat Pictures, Images and Photos

uy bago! :)

Mayo 9, 2009 bandang 11:11 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, Special 'to., Trip ko lang. | 7 mga puna
Mga kataga , , ,

Uy, new items na naman ako! Hehe. Purong sapatos ang bago sakin ngayon. Wala lang ako magawa kaya hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang mga bago kong damit pam-paa.

Unang Larawan: Red by Marc Ecko. <- yan ang tatak ng isa sa bago kong sapatos. Isa lang ang masasabi ko, ANG MAHAL! haha. Sabi ng mama ko, P 3,500 ang presyo. Haha! Bongga!

Ikalawang Larawan: Skechers Cali. Ewan ko kung anong tawag sa species niyang sapatos na yan e. Haha! Basta alam ko, Cali. Wahahaha!  Okay lang ba yung kulay? Brown, yellow, gold and black? Ang chenes!

Ikatlong Larawan: Ayan, Skechers din. Parang Crocs siya pero mas maganda yung design. Pero sa tingin ko, Kung sa quality, Crocs parin ako. Haha! Sobrang comfortable kasi kahit isang buong araw ka maglakad. Haha! So ayun.

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula