anu daw?
Hunyo 9, 2009 bandang 2:13 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, Mga Pinoy talaga!, Nyek!, Toink$. | 15 mga punaMga kataga ha?, haay nako, kwek-kwek (quick), LAU, nyek2x!, pinoy nga naman, toinkS., WEEHH!
Sa paglilibot ko sa friendster e napahalakhak ako sa mga nakalap kong ‘patawang’ mga taong pinipilit mag salita ng banyaga e hindi naman bagay. Ewan ko lang sa’yo . Kasi ako mababaw ang kaligayahan ko e. HAHA .
Anyway, eto na :
Exibit 1
HAHA! Addeeek. “Am just w8 for one gurl because am single distime” toink. Haha. Mga pinoy talaga ..
Uyy .. di lang yan, meron pa ..
Exibit 2
Hala . Present tense kung present tense! HAHA .
Ayaw niya namang mag-english ng bonggang bongga! HAHA .
__________________________
Yun na lang. HAHA . Natuwa lang ako. Para ma-update na din ‘tong si Tootsie. 🙂
Hanggang sa muli!
sa 30 minutes ..
Hunyo 5, 2009 bandang 12:48 hapon | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, High School!!, Special 'to., Toink$., Trip ko lang. | 7 mga punaMga kataga ha?, High School!!, LAU, toinkS., WEEHH!
daw ay makalilikha ka na ng ‘impression’ na pwede mong ibahagi sa kahit kanino (at vice versa yun, men!)
Ayon sa pag aaral, ang ‘first impression’ daw ang pinaka – importanteng bagay sa mga makikipag kilala/kaibigan.
Dahil sa ‘impression’ na iyon nagmumula at nag-uumpisa ang lahat. (shocking!)
Bakit ko sinabi ‘to?
Ehhh diba nga, magiging freshmen na ako ng University of the East! (di ka naman galit niyan..)
Ayy ngapala, atrasado na naman ang pasukan namin sa naturang paaralan. Sa June 15 na daw! Whoo .. na – extend na naman ang aking paghihintay pagpapahinga . Hay nako . Isang linggo na naman ulet.
Uhh .. let’s kill the time muna ngayon. Tutal e wala naman akong pinagkaka-abalahan ..
Anyway, napanuod niyo na ba yung ‘Single Ladies’ ?? Oo, Single Ladies! Yung kay Beyonce. Yung may tatlong babaing sumasayaw ng medyo weird na hilarious at damn funny. (at san naman nakuha ni Tootsie Roll ang mga salitang iyon??)
Basta alam niyo na yun! Dapat! Haha .. Pilit ba?
EÂ heto may tanong ako …
Alam niyo ba yung bandang Jonas Brothers?? Yung kumanta ng ‘Lovebug’ , ‘Burnin’ Up’ , ‘When You Look Me in the Eyes’ at maraming pang iba. Kung pamilyar kayo sa mga pangalang Joe, Nick at Kevin, ipagpatuloy ang pag babasa … (sa mga hindi, bleeh 😛 di maka – relate)
Diba nga alam niyo yung Single Ladies ni Beyonce !!? (wink)
Kung kilala mo ang Jonas Brothers o dyuskopo, kahit si Joe lang e, pindutin mo ang nasa ibaba:
(sa mga ayaw, edi wag 😛 )
 P.S. Uyy .. hindi bading si Joe Jonas ah! Pramis! Upakan kita ‘pag hindi totoo. 🙂
 Ayun, Solb nako.
Langhiya, Joe Jonas tapos Single Ladies … Mapapa – ‘HAHAHAHA’ talaga ang mga fan ni Joe Jonas dito!
 ——————————–
Uhh .. ngapala, meron akong munting pebor (favor yun, Tootsie ..) sa inyo.
Paki – sagot naman po kung:
Sino Ka Sa Classroom?
ikaw ba yung …
*nerd
*weird
*friend ng lahat
*board manager (taga – erase ng blackboard)
*source ng lahat ng answers (assignments, quizzes, and exams)
*secretary (taga sulat ng lesson sa board pag tinatamad si Prof)
*patawa
*mr./ms. antukin
*grade concious
*may sariling mundo (ex. gusto nang umuwi ng lahat, dahil wala pa si prof, pero gusto pang magpa-iwan at hihintayin daw si prof kahit anung mangyari..)
*tahimik
*di mapigilan ang bibig sa kakadaldal
*source ng mga walang papel
*walang bitbit sa eskwelahan kundi sarili
*sipsip
*walang paki sa nangyayari kahit end of the world na
*bakaw sa recitation
*black sheep (laging napapagalitan)
*classroom prettiest/handsome-ess (may word bang ganon?)
SINO??? and explain why .. 🙂
Comment lang kayo .. libre lang! pramis!
i’m back!
Mayo 28, 2009 bandang 1:42 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., Hahahahahaha!, oooookkkkkaaaaayyy ??, Special 'to., Trip ko lang. | 9 mga punaMga kataga chuckchakchenes, ha?, lakwatsera, nyek2x!, toinkS.
Sa aking mga mam-babasa, (kung meron man) na – miss ko kayo!! Haha!
Tutal e hindi naman ako gaanong busy ngayon sa paggawa, (ng wala) e pagbabalingan ko muna ng pansin itong Tootsie Roll.
Noong Lunes (Mayo 25) at Martes (Mayo 26), Ang Tootsie Roll niyo ay dumalo sa isang seminar para sa kumpil.
Duon e nalaman kong hindi pala dapat ipagwalang bahala ang pagsisimba, dahilan lamang sa simpleng projects, homeworks, reports .. etc.
Naalala ko nga si Master Bob Ong nuong idini-discuss yon samin ng isang katekista.
Yung gumagawa siya ng kanyang project, at Rosary Month pa nuon, kailangan mag-Rosary ng mga katoliko. Pero marami din namang naging instant *ibang religion* . Hindi naman lahat ng katoliko, e katoliko sa bawat oras. Bagamat sa kabila ng lahat ng kasinungalingang yon, e nag Rosaryo at nag dasal pa rin sila dahil nga napakaliit na bagay lang ng project na yon .. (blah..blah..blah..)
So ayun. Wala, naalala ko lang. Haha!
Pero honestly, sa dalawang araw ng pagtiya-tiyagang paggising sa umaga ‘nun, wala akong natutunan.
Gulat ka no?
Wala akong natutunan dahil alam ko na ang lahat ng naiturong yon.
Paano nangyari?
Dahil ang katekista nagturo sa seminar e, ang nagtuturo din sa amin sa aming elementary sa Religion.
Gets mo na ba?
———————
Taumbayan: Lau! Bakit ka ba lumisan ng panandalian?
Ako: Dahil may pinagdadaanan akong problema sa aking mga kaibigan.
Lubos-lubos ang aking pasasalamat sa Maykapal dahil dininig na ang aking panalangin. Naging maluwag na ang aking paghinga at sa tingin ko e wala nang problema.
Nakausap ko na ang dalawang kampo ng aking mga kaibigan na nagiiringan at willing na silang mag-bati sa isa’t isa, pera dun sa isang nagmamatigas.
Kahapon e nakatanggap ako ng text galing sa aking kaibigan, kay Karisse. (Btw, tataasan daw ang singil sa SMS ng .05 at ang unlimited service e malamang mawawala na. Anu sila, HILO? Di pwede yun. Andami daming …. Oooppsss.. Shatap!)
Eto ang isinasaad ng SMS:
Lau, pag nakapag – YM ka at nakausap mo si EMHAR, pakisabi sa kanya na bestfriends na ulet kami. Nagising na ako sa katotohanan. Basta wag lang siyang magbago tulad ng pagkakakilala ng CareBears Family (grupo nila..) sa kanya. Thnx.
Finorward ko naman ang text na yan kay Emhar, eto ang sinagot niya:
Ayoko LAU. Ayos na yung sumayaw ng isang linggo ng Chuwariwap BFF, kesa mabalik ako sa feeling kong nagkabisyo ako.
Ano sa tingin niyo? Oo alam ko, mga retarded mga kaibigan ko. Yung isa e nagising sa katotohanan, e bakit kelan siya natulog sa kasinungalingan? Yung isa naman e sasayaw ng “BFF” . Pero tingin niyo e magkakabati pa kaya sila? Watchathink? Watchathink? Pakisagot lamang po sa pamamagitan ng pagco-comment.
—————————-
Uhh .. tingin ko e wakas na ng aking post, dahil hindi ko akalaing hahaba ‘to ng ganito. Haha!
Till here mga berks, At ako e magpe- Pet So pa. yee! Na-adik sa Pesbuk. Haha. Babuh!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Don’t make anyone a PRIORITY when they’re only taking you as an OPTION.
Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.






