mercury ako !! , ikaw ?!

Hulyo 12, 2009 bandang 4:39 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., High School!!, share lang!, Special 'to., Trip ko lang. | 13 mga puna
Mga kataga , , ,

Nakanang Tootsie! Title palang ang yabang [!] na .. ahaha! Hindi, kasi dapat naman talagang maging proud ako sa section ko kasi adviser ko ang isa sa mga institusyon na sa Pamantasan ng Silangan, si Mam Priscila Iglesias.

Pero , subalit, datapwat, kahit hindi siya ‘cream’ section ng first year, (hala,pantay pantay lang kaya lahat ng section ng first year) sobrang saya ko dahil sa I-Mercury ako nabibilang. Hindi ko naman minamaliit ang ibang mga section pero parang ganun na nga … Jookee! (hala,  baka abangan ako ng mga ibang section sa tatlong (3) gates ng UE pag tinuloy ko pa ito ..)

Anyway, kaya ako nagkakaganito ngayon e gusto ko lang naman mag share ng mga kaganapan sa aking section, ang I – Mercury. (haha .. napaka-babaw ni Tootsie.. )

Ang ayaw,  wag makisali. Care ko ?! 😛

Si Dannah at Ako

Si Dannah at Ako

Ayan. HAHA! Nasa Playground kami. Nyeehh .. Parang bata, hehe.

Si Dannah yan pati Ako.  To be specific, nasa monkey bars kami.

Mukhang monkey kasi yung isa e ! Tingin mo ?!

Ang mga magbu - bru .. (extra si Dannah)

Ang mga magbu - bru .. (extra si Dannah)

Yan naman ay sa Gym 4 A. During our P.E. , na bore kami so nag pikachur – pikstyur muna kami.

Naaalala mo ba sila?! Sila yung mga pinakilala ko sa inyo dati na mga bru ko , sayang wala si Miel , siya ang photographer nung time na yan.

mga model ng kawayan ..

mga model ng kawayan ..

matulog ba naman sa garden ?!

matulog ba naman sa garden ?!

Yang mga yan ay sa Tan Yan Kee Garden. O diba ?! Mukhang mga buang na sabog. Ahaha! Bogaloids for short!

Dun sa first picture, hanapin niyo ko!! Ahaha!  (Clue: nagsusuklay ako ..) Wala na alam na … Basta yung pinaka kyut diyan na malakas ang apil! 🙂

Dun naman sa second picture, Ako ang unang humiga niyan kasi antok na antok talaga ako. Kaya nandiyan din ako !! Wahaha! Yan ang mahirap hanapin! (Clue: nakahiga ako..) ahaha! Lahat naman kami nakahiga diyan, maliban na lang kay spokening dollar = ronalynn. Pinanganak siya sa Chicago, Illinois at blah.. blah.. blah.

group picture sa jollibee ..

group picture sa jollibee ..

At last but not the least ..

Yan. Halata namang sa JolliBUG yan kinuhanan.

Papakilala ko na nga sila..

L-R : enrimhar, si kyut na malakas ang apil, charmaine, dannah, khirby at celinna.

Mukhang mga buang e noh. Ahaha! Yung isa ginawang *toot* yung rice. Yung isa naman kinakain yung number. Yung isa naman may tinuturo sa kawalan. Ahaha!

———————————-

Haay .. ang saya talaga ng High School! Grabee ..

At yung mga taong ‘yon, (tingala!) they made my High School more speacial at kakaiba.

P.S.:

Speaking of High School, syempre nandiyan din ang mga teachers na walang sawang nagsasaway este nagtuturo sa amin ..

So, I would like to take this oppurtunity to greet Sir Flores – ang teacher namin sa AP..

Sir! Tumatanda ka na! Hehe .. Happy, Happy, Birthday !! Blow out namin bukas !! O kaya, wag ka muna mag quiz buong week !! Jookkee ! Hehe ..

Eto si Sir:

naks ! me ganon ..

naks ! me ganon ..

Mukhang bata pero 70 + na yan !! Ahaha ! Jookkee !

More birthdays to come !! And sana hanggang 4th year ng batch namin nasa UE ka pa rin !! Hehe .. 🙂

yahoooooooo!

Hunyo 24, 2009 bandang 1:28 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, High School!!, Special 'to., Toink$., Trip ko lang. | 11 mga puna
Mga kataga , , , , , , , ,

Yahooooooooooo! June 24 ngayon, walang pasoookk !! Whoo! HAHAHA! At masaya din ako kasi bumabalik na naman ang rainy days .. nandyan na naman ang suspension of classes .  Haha!

Hindi naman sa ayaw ko pumasok [!] pero umiiwas lang ako sa mga homeworks, projects, groupings .. etc . etc ..

Hmm .. anu bang iku – kwento ko ngayon ??

Kahapon kasi e hindi ako naka– pasok dahil sinumpong ako ng pagka sakitin ko , ni-lagnat ako ng bonggang bongga! Pero buti na lang at hindi A(H1N1) ang umatake sa katawan ni Tootsie kundi magwawala si beloved mother .

Anyway,  May mga bago na akong friendships na mga kaklase ko .. Whew! Akala ko magiging ‘LONER’ na ko for life dun e .. Haha! Di ko yata keri yun ..

Eto sila oh .. :

[Btw, tawagan namin ‘bru’ .. okay ba ? HAHA! Masyado na kasing over-used ang ‘sis’, ‘bff’,  ‘chenes’ ng cheneloong churva .. ]

Photobucket

Yown ! Haha! Kung iniisip niyong mukhang *hmm..* ang itsura nila e , bibigyan ko kayo ng original pic .. Para masaya ! 🙂

Photobucket

Yan .. Pwede mo na silang titigan hangga’t gusto mo .. 😛

May tanong ako ..

Sinung maganda diyan ??

Ayy.. eto nga pala ako ..

Photobucket

Oyan .. Di ka na mahihirapan mag judge ! HAHA !

Kelangan ko ang boto niyo ..

Sa opinyon niyo kung sinong pinaka maganda sa mga mag ‘bru’s ,

Just text:

Kung si Miel ang type niyo, key in:

MAGANDASIMIELPARASAKIN <space> NAME MO

and send to 09089038773  for Smart and Talk and Text, 09272556361 for Globe and TM subscribers .

Kung si Kim naman , key in:

ANGKYUTNGNASAGITNA <space> NAME MO and send to 09089038773 for Smart and Talk and Text, 09272556361 for Globe and TM subscribers .

Kung si Shella, key in:

AMBONGGANISHELLA <space> NAME MO and send to 09089038773 for Smart and Talk and Text, 09272556361 for Globe and TM subscribers .

At kung para sa inyo e AKO,  key in:

WALAAKONGMAGAGAWAMAGANDASITOOTSIE <space> NAME MO and send to 09089038773 for Smart and Talk and Text, 09272556361 for Globe and TM subscribers .

Hihintayin ko ang mga text niyo at para niyo nang awa, magpakilala kayo ah !! HAHA !

uy bago! :)

Mayo 9, 2009 bandang 11:11 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, Special 'to., Trip ko lang. | 7 mga puna
Mga kataga , , ,

Uy, new items na naman ako! Hehe. Purong sapatos ang bago sakin ngayon. Wala lang ako magawa kaya hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang mga bago kong damit pam-paa.

Unang Larawan: Red by Marc Ecko. <- yan ang tatak ng isa sa bago kong sapatos. Isa lang ang masasabi ko, ANG MAHAL! haha. Sabi ng mama ko, P 3,500 ang presyo. Haha! Bongga!

Ikalawang Larawan: Skechers Cali. Ewan ko kung anong tawag sa species niyang sapatos na yan e. Haha! Basta alam ko, Cali. Wahahaha!  Okay lang ba yung kulay? Brown, yellow, gold and black? Ang chenes!

Ikatlong Larawan: Ayan, Skechers din. Parang Crocs siya pero mas maganda yung design. Pero sa tingin ko, Kung sa quality, Crocs parin ako. Haha! Sobrang comfortable kasi kahit isang buong araw ka maglakad. Haha! So ayun.

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula