maturity ?! di pako ready !!

Hulyo 19, 2009 bandang 2:38 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., share lang! | 13 mga puna
Mga kataga , ,

‘wan ko kung anu nangyayaring kababalaghan sakin ngayon ..

sabi nila nagma-mature na daw ako ..ย  dyuskupo !!

hindi pakoย ready emotionally at mentally ..

isip bata pako !! ahaha !! ๐Ÿ˜€

anyway , may bago akong mga picture/s upang ibahagi at pa husgahan sa inyo .. ahaha ! eto ang choices :

A. mature ka inday !

B. bata – batuta

C. wala akong pakialam sa nararamdam mo !!

D. ok lang .. at least, tao ka pa rin .

ย 

ahahaha !! :DD

ย tinatamad nako mag upload nung iba .. at wala lang .. ahaha !!

ewan ko ba kung bakit nahihilig ako mag wink ngayon .. *wink* .. o tamo .. tsk. tsk . ahaha ! na – impluwensyahan yata ako ..

————————–

[ off topic ]

iiwan ko na naman ‘tong si tootsie ng isang linggo .. back to schoolwork ulit ..

ma – miss ko kayo .. :DD

share lang!

Hunyo 28, 2009 bandang 2:42 umaga | Ipinaskil sa bakit masama ?, Buhay ko ., Hahahahahaha!, oooookkkkkaaaaayyy ??, pangarap., share lang!, Special 'to., Toink$., Trip ko lang. | 11 mga puna
Mga kataga , , , , , , ,

DOSEH lang ang edad ko ngayon. Bata pako. Inosente pero hindi ignorante.

[HAHA! At bakit ba parang ang serious serious ni Tootsie ngayon .. ]

[Okay , back to serious-ty.. (may word bang ganon? ]

Mulat na ako sa panahong ang mga kabataan ay natututo nang magkaroon ng achuchuchu (boy friend) at nagkaroon na din ng hikaw sa ilong at dila.

[Nawi-windang ako sa pinagsasasabi ni Tootsie ..]

Ishe – share ko lang ang mga gusto ko sa lalaki .. Andami kasing nagtatanong e. HAHA ! (onga! )

  • *God – Fearing – syempre unang una ‘to. Ako kasi close ako kay BRO. Hindi ako nakakatulog hanggat di ako nagdadasal, hindi nakakakain at hindi nagpapalipas ng alas 3.
  • * Honest – Syempre lahat naman gusto ‘yon .
  • *Trustworthy – Lahat din naman gusto ‘yon.
  • *Pursigido – Nanliligaw pa lang , kuntodo na .. Parang ako lang ang babae sa mundo .
  • *Mas matangkad sakin – sagwa naman kung opposite diba ?
  • *Mabait – sobrang bait na kahit alilain e pwede .. pero dapat may ,
  • *Dignidad –ย  syempre dapat si siya papayag na magpaalipin diba .
  • *Good Conversationalist – Basta yung may sense siya .. Parang lawyer pero ,
  • *Patawa – syempre dapat may nakawi-windang na pang break the ice joke siya diba .. para walang dull moments.
  • *Responsable – ayoko ng burara. period.
  • *Music Inclined – gusto ko kasi ng harana.
  • *Matalinoย  – yan ang pinaka.
  • *Hindi addeeek sa DoTA – nagdo-DoTA pero hindi adik. Na – trauma na ko sa ganyan ..
  • *Hindi pakielamero – yung tipong pupurihin ka pa kesa pintasan.
  • *Hindi mayabang – yoko ng mayabang. period. period. period.
  • *Techie person – yung updated sa mga latest gadgets and trends , chenes chuva , ecklavu .
  • *Adventurer – para exciting.
  • *Performerinterested siya sa theater, dancing or singing.
  • *Loyal – syempre ako at ako lang dapat .
  • *Laid-back – super simple. hindi masyadong maporma.
  • *Gentleman – yan talaga ang pinaka trait na kai-inlove-anย  ko . ๐Ÿ™‚
  • *Hindi Emo – yoko ng nagla-laslas. Kung gusto niya mawala sa mundo, maraming paraan; magbigti, magbaril sa ulo, magsaksak ng kutsilyo sa dibdib, kalimutan huminga.
  • *Hindi manhid – lalo na ‘pag nagpapanggap lang .. tsk. tsk. tsk.
  • ย *Hindi fickle minded – pangit kasi yung pabagu- bago ng isip. Yoko ng ganun.

At higit sa lahat ….

Yung kamukha ni Jesse McCartney, kasing katawan ni Piolo Pascual, kasing slang ni Sam Milby, kasing bait ni Santino at kasing yaman ni Jun Pyo . ๐Ÿ™‚

Parang may problema yata … Di pa siya pinapanganak !

unang linggo sa silangan ..

Hunyo 19, 2009 bandang 8:20 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., Hahahahahaha!, High School!!, Kakatwang pangyayari sa buhay ni Lau, Nyek!, Special 'to., Toink$. | 25 mga puna
Mga kataga , , , , , , , , , , ,

Sa Previous post ko e, pinangakuan ko kayo na ‘we – wentuhan ko kayo tungkol sa aking first day of school . Kaso sa kasamaang palad e, medyo naging busy ako sa mga requirement, eck. eck. eck ! ๐Ÿ™‚

Kaya eto na, fresh and frozen galing sa utak ni Tootsie .. Ready ka na ba? O edi heto na ..

First Day of School..

Tahimik lang ako. Halos hindi umiimik. Halos magka- panis panis laway ko ‘nun e. (ewww.. OO ! ) Ang palagi ko lang kinakausap, (hndi nga kinakausap e, sinesenyasan..) ay si Enrimhar . Kilala niyo na na yon diba ? (diba!) Basta alam niyo na yun. Dapat! Anyway,ย  edi syempre first day, .. nag – introduce yourself chenes ako ..ย  Natutuwa naman ako sa mga classmates ko at pumalakpak sila ng bonggang bongga!

Salamat nga pala! ๐Ÿ™‚

Sa first day na ding ‘yon e, naging muse ako . Onga! Pramis!

Tinanong kasi ni Mam ..

Mam: Sino sa tingin niyo ang pinakamaganda dito sa atingย  classroom?

Miel: Mam, Siya po ! *turo sakin*

Pinahamak ako! Jookee! ๐Ÿ™‚

Di bale, kyut naman yung escort ko e. ๐Ÿ™‚ yee.

LOL. Uy, wala akong sinasabing crush ko siya ah, sinabi ko lang kyut siya. Wag masyadong malisyosa mga utak ..

Ezra Nehimah Dechaves – ang full name . ๐Ÿ™‚

Uyy, walang chukchakchenes na magre – react diyan ah! At, at, at .. Hindi ako deffensive! ๐Ÿ˜›

————–

Anyway, Highway, Skyway, Don’t block the drive way way ..

Andaming nangyaring first sa first week sa first university ko na yun! ๐Ÿ™‚

(oh diba?! inuulan ng first!)

Eto ang ilan:

-first time kong mag – commute ng jeep papuntang eskwelahan

-first time kong pumasok sa isang unibersidad

-first time kong makakita ng limpak limpak na nilalang na nagra-riot twing reccess

-first time kong mag reccess nang hindi kasama ang LMAB (:()

-first time kong umuwi ng more than 1:30 pm! without lunch!

-first time kong tumuntong sa lupain ni Claro M. Recto

-first time kong napatunayan na tama nga sila, masaya nga ang high school life!

first time kong makipag kulitan sa mga ‘total strangers’

-first time kong hindi ngumuya ng mentos habang nagka-klase

first time kong maging tahimik

at mapanisan ng laway (ewww…..)

first time kong mapirmi sa aking upuan for almost 10 hours


————————————

[offtopic]

Salamat nga pala sa mga nag comment sa previous post ko at sa kung saan saan pang banda dito sa blog ko .. I extend my HUGS. *hugs* labyah all ! ๐Ÿ™‚

Photobucket

huling banat: todo na ‘to!

Hunyo 13, 2009 bandang 2:17 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, High School!!, Nyek!, Special 'to., Toink$., Trip ko lang. | 14 mga puna
Mga kataga , , , , , , , ,

Di pa tapos yung title e, ‘huling banat, bago mag pasukan: todo na’to’ย  oyea! Haha.

Anyway, dapat e may magandang content ‘tong post na ito ngayon, kaso sa kamalasan nga naman ng buntot ng kabayo ng walanghiyang kaibigan ko e hindi pa niya naa-upload ang mga ‘pinagtripan’ namin pictures nuong nandito siya last thursday.

Hay nako.

Terez, kung nasaan ka man ngayon .. magtago -tago ka na !

Ka-imbyerna kang maldita ka, tago ka na kung ayaw mong ma-flying kick papuntang outer space!ย  (Jookee!)

Photobucket

‘Pag nakita niyo nga pala siya, ipa-alam niyo sa kinauukulan, okay?

Madalas siyang makita sa USTe (dahil dun siya nag-aaral)
at sa Quiapo (dahil dun siya palagi naghahasik ng lagim)

Anyway, Highway, Skyway, Norway, Don’t Block the Driveway Way,

Hmm .. Ano bang iku-kwento ko ngayon ..

Ah! Ipapakilala ko muna sa inyo ang bonggang bongga Blog ng ating mga sister!

ang ..

tunay na veyklas

Naka-relate ako dito. Madalas kasi ako magsalita ng salitang veyklang cheneloo.

Eto nga pala ang ..

Ang mga Palatandaan at Marka ng Isang Tunay na Veykla (repeat after me)

1. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super borlogs kapag may chance. Sleeping beauty galore para (1.) ganda ng fez at skin pagka-gising, (2.) para di ga-maleta ang eyebagey, at (3.) para mega energy sa rampa.
Exception: mga taong bangag ever sa bawal na gamot (pero ang mga gandarang veykla na bangag sa hormonal pills na pampadagdag boobs at pampawala ng bigote at hairla sa kilikili ay pasok!)

2. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega super text back. Kever kung sang lupalop man ng bansa. Afraid ma-warla ng jowa-jowaan sa text. Kinakarir din ang pagpapasaload sa mga betinang mhenchaluz.

3. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mega long-ish mag-reply sa text. Di pwede ang reply na “K” lang. Sad ever agad kapag di tumutunog ang celphone to the tune ng kanyang latez fave dance tune hudyat na nagtext back na sa wakaz ang tinext n’ya 10 hours ago 10 times ng “Hi. Musta ang sweety ko?”. Meron din s’yang SIM ng lahat ng networks. Para text-proof at call-proof ang buhay

4. Ang TUNAY NA VEYKLA ay alam kung ano ang sinasabing “pekpek shorts” at meron s’ya nitwu o lihim na umaasam na magkaron nitwu. Parang little black dress baga, or kamison ni Mother Lily, dahil may powers itwung taglay.

5. Ang TUNAY NA VEYKLA ay never umaaming nag-e-extra rice.

6. Ang TUNAY NA VEYKLA ay either may (1.) parlor, (2.) bet tumambay sa parlor, (3.) or bet magkaron ng parlor balang araw kung makalusot kay fadir. (note: may mga tunay ding lalakeng tumatambay sa parlor at alam ng tunay na veykla kung ba’t sila andun)

7. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may either (1.) may “love handles” (not to be confused with the botchog bilbilicious ng mga menchaluz)–dahil na rin itwu sa kakajoin sa inuman ng mga menchaluz, or (2.) zuper payatollah sa pag-mumudil sa Malate, (3.) may abs para makabingwit din ng kapwa-ko-mahal-ko nilang umaasam din ng mga abs sa Malate.

8. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super dance diva sa dance floor or kahit sa shore ng Puerto Galera kung lasengga na.

9. Ang TUNAY NA VEYKLA ay super mega-videoke ang libangang tunay. Ang range ng kanta ay mula sa napaka-birit na kantang “Wherever You Will Go” ng The Calling, “Half Crazy” ni Johnny Gill, hanggang sa super baba na “Emotions” ni Mariah Carey or “Listen” ni Beyonce. Keber na kung may karapatan man sila sumingalore o wala.

10. Ang TUNAY NA VEYKLA ay okrayera pa-simple man o harapan. O kahit sa kapwa tunay na veykla.

11. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best mag-deliver ng joke. Kahit ‘di na nagjo-joke.

12. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling magsulat ng kwentong ka-elyahan na OM to OM.

13. Ang TUNAY NA VEYKLA ay laging malinis ang p’wet.

14. Ang TUNAY NA VEYKLA ay hate kajoin ang mga tomboyitang babae na nagpapakalalaki.

15. Ang TUNAY NA VEYKLA ay napapa-ingles ‘pag nagagalit. Kahit di tama ang ingles, go lang ng go. Kahit mura lang.

16. Ang TUNAY NA VEYKLA ay the best sumagot sa Q & A portion.

17. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig sa beauty contests, kasali man sila o hindi.

18. Ang TUNAY NA VEYKLA ay kinakarir ang pagsali sa Ms. Gay contests mula Aparri hanggang Jolo.

19. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mahilig magpa-contest ng mga Ginoong something something at magpasuot ng mga skimpy at white na trunks sa mga mhenchaluz na contestants.

20. Ang TUNAY NA VEYKLA ay mabilis magkabisado ng mga mahahabang sagot sa Ms. Universe beauty pageant man or sa Binibining Pilipinas, o kahit sa barangay level lang.

21. Ang TUNAY NA VEYKLA ay may soft spot sa mga (1.) construction worker, (2.) kargador, (3) security guard, (4.)sundalo, (5.) marino, aminin man o hindi.

22. Ang TUNAY NA VEYKLA ay magaling umanggulo sa piktyuran man o sa halahan.

23. Ang TUNAY NA VEYKLA ay rampadora. Kering keri n’ya ang maglakad ng madaling araw mula sa Quiapo hanggang Fairview sa ngalan ng rampa. Kaya’t pasensya na sa mga mhenchaluz na namataan nila saktong sumisikat na ang araw. Tunay na veyklang hayok ang makikita nila.

24. Ang TUNAY NA VEYKLA, pag mayaman at tumanda na ay natural na napapatambay sa mga basketball courts ng mga schools na sikat.

25. Ang TUNAY NA VEYKLA ay madalas na pang-maton o pang-hoodlum ang pangalan. i.e. Amador.

HAHAHAHA! saludo talaga ako sa mga sisterette natin! Hindi magpapatalo kahit chenes ang churva! ๐Ÿ™‚

————————————————-

titigan ang larawan ...

titigan ang larawan ...

Minsan talaga mapapa-isip ka kung tao ka ba talaga e noh! ๐Ÿ™‚

——————————————

wuhouuu!
pasukan na namin sa monday (june15)!
t0too na talaga ‘to!
di na chenes!
medyo kinakabahan na ako..
first day high na ko!

Feeling ko: excited na kinakabahan pero confident. naks!

ano kayang mangyayari sa first day?
sana may maganap, exciting!
haha..

ano po ba ang dapat kong i-expect?
dapat po ba mataas o mga simple para hindi ma-disappoint?

kayo, ano po experiences nio sa first day nio as freshman? share naman dyan! bawal ma-damot, kukunin na ni Bro!

Onion Head Pictures, Images and Photos

———————–

Cge po, hanggang dito na lang po ako ..

Hehe ..

‘we – wentuhan ko nalang po kayo sa aking first day of school!

Happy Weekend! ๐Ÿ™‚

sweat Pictures, Images and Photos

anu daw?

Hunyo 9, 2009 bandang 2:13 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, Mga Pinoy talaga!, Nyek!, Toink$. | 15 mga puna
Mga kataga , , , , , , ,

Sa paglilibot ko sa friendster e napahalakhak ako sa mga nakalap kong ‘patawang’ mga taong pinipilit mag salita ng banyaga e hindi naman bagay. Ewan ko lang sa’yo . Kasi ako mababaw ang kaligayahan ko e. HAHA .

Anyway, eto na :

Exibit 1

Photobucket

HAHA! Addeeek. “Am just w8 for one gurl because am single distime” toink. Haha. Mga pinoy talaga ..

Uyy .. di lang yan, meron pa ..

Exibit 2

Photobucket

Hala . Present tense kung present tense! HAHA .

Ayaw niya namang mag-english ng bonggang bongga! HAHA .

__________________________

Yun na lang. HAHA . Natuwa lang ako. Para ma-update na din ‘tong si Tootsie. ๐Ÿ™‚

Hanggang sa muli!

Photobucket

sa 30 minutes ..

Hunyo 5, 2009 bandang 12:48 hapon | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, High School!!, Special 'to., Toink$., Trip ko lang. | 7 mga puna
Mga kataga , , , ,

daw ay makalilikha ka na ng ‘impression’ na pwede mong ibahagi sa kahit kanino (at vice versa yun, men!)

Ayon sa pag aaral, ang ‘first impression’ daw ang pinaka – importanteng bagay sa mga makikipag kilala/kaibigan.

Dahil sa ‘impression’ na iyon nagmumula at nag-uumpisa ang lahat. (shocking!)

Bakit ko sinabi ‘to?

Ehhh diba nga, magiging freshmen na ako ng University of the East!ย  (di ka naman galit niyan..)

Ayy ngapala, atrasado na naman ang pasukan namin sa naturang paaralan. Sa June 15 na daw! Whoo .. na – extend na naman ang aking paghihintay pagpapahinga . Hay nako . Isang linggo na naman ulet.

Uhh .. let’s kill the time muna ngayon. Tutal e wala naman akong pinagkaka-abalahan ..

Anyway, napanuod niyo na ba yung ‘Single Ladies’ ??ย  Oo, Single Ladies! Yung kay Beyonce.ย  Yung may tatlong babaing sumasayaw ng medyo weird na hilarious at damn funny. (at san naman nakuha ni Tootsie Roll ang mga salitang iyon??)
Basta alam niyo na yun! Dapat! Haha .. Pilit ba?

Eย heto may tanong ako …

Alam niyo ba yung bandang Jonas Brothers?? Yung kumanta ng ‘Lovebug’ , ‘Burnin’ Up’ , ‘When You Look Me in the Eyes’ย  at maraming pang iba. Kung pamilyar kayo sa mga pangalang Joe, Nick at Kevin, ipagpatuloy ang pag babasa … (sa mga hindi, bleeh ๐Ÿ˜› di maka – relate)

Diba nga alam niyo yung Single Ladies ni Beyonce !!?ย  (wink)

Kung kilala mo ang Jonas Brothers o dyuskopo, kahit si Joeย lang e, pindutin mo ang nasa ibaba:

(sa mga ayaw, edi wag ๐Ÿ˜› )

ย P.S. Uyy .. hindi bading si Joe Jonas ah! Pramis! Upakan kita ‘pag hindi totoo. ๐Ÿ™‚

Klik mo ko

ย Ayun, Solb nako.

Langhiya, Joe Jonas tapos Single Ladies … Mapapa – ‘HAHAHAHA’ talaga ang mga fan ni Joe Jonas dito!

ย ——————————–

Uhh .. ngapala, meron akong munting pebor (favor yun, Tootsie ..) sa inyo.

Paki – sagot naman po kung:

Sino Ka Sa Classroom?
ikaw ba yung …

*nerd

*weird

*friend ng lahat

*board manager (taga – erase ng blackboard)

*source ng lahat ng answers (assignments, quizzes, and exams)

*secretary (taga sulat ng lesson sa board pag tinatamad si Prof)

*patawa

*mr./ms. antukin

*grade concious

*may sariling mundo (ex. gusto nang umuwi ng lahat, dahil wala pa si prof, pero gusto pang magpa-iwan at hihintayin daw si prof kahit anung mangyari..)

*tahimik

*di mapigilan ang bibig sa kakadaldal

*source ng mga walang papel

*walang bitbit sa eskwelahan kundi sarili

*sipsip

*walang paki sa nangyayari kahit end of the world na

*bakaw sa recitation

*black sheep (laging napapagalitan)

*classroom prettiest/handsome-ess (may word bang ganon?)

SINO??? and explain why .. ๐Ÿ™‚

Comment lang kayo .. libre lang! pramis!

nangangati…

Hunyo 3, 2009 bandang 1:21 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., FRAGILE: with photo or video., Hahahahahaha!, High School!!, Nyek!, Special 'to., ta-artits!, Toink$., Trip ko lang. | 11 mga puna
Mga kataga , , , , , ,

Sa previous post ko e nabanggit kong kinakabahan ako sa aking first day of school.ย  Pero habang tumatagal e lalo akong nae-excite sa pagpasok sa bagong eskwelahan.

Kating-kating nako. Ewan ko ba. Haha!

Pero diba pinangako ko sa inyo na pipiktyuran ko ang aking uniporme sa aking paaralan upang maibahagi sa inyo?

Oh heto na, special fresh from the oven. (kelan pa nanggaling sa oven ang uniporme, haa Tootsie? )

uniporme ni Tootsie. (University of the East)

uniporme ni Tootsie. (University of the East)

Tsenen!! ๐Ÿ™‚

Iyan na ang bonggang-bongga kong uniporme. (Oh tama na ang pagti-tig at malulusaw na iyan…)

——————————-

Ayy, bago ko malimutan.. meron pa pala.ย  Dahil medyo late ko na nai-pakita na inyo ang aking uniporme e, may special ‘siopao’ akong ia-add.

Isasama ko na rin ang gagamitin kong bag sa aking pagpasok. Kaya bago ko maisakatawan (tama naman ah, sa katawan ang bag:) )ย  e idi-display ko muna dito.

BABALA: For your eyes only. ๐Ÿ˜›

ang 'heartstrings' bag ni Tootsie ngayong pasukan..

ang 'heartstrings' bag ni Tootsie ngayong pasukan..

Halata bang excited??? ๐Ÿ™‚

i’m back!

Mayo 28, 2009 bandang 1:42 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., Hahahahahaha!, oooookkkkkaaaaayyy ??, Special 'to., Trip ko lang. | 9 mga puna
Mga kataga , , , ,

Sa aking mga mam-babasa, (kung meron man) na – miss ko kayo!! Haha!

Tutal e hindi naman ako gaanong busy ngayon sa paggawa, (ng wala) e pagbabalingan ko muna ng pansin itong Tootsie Roll.

Noong Lunes (Mayo 25) at Martes (Mayo 26), Ang Tootsie Roll niyo ay dumalo sa isang seminar para sa kumpil.

Duon e nalaman kong hindi pala dapat ipagwalang bahala ang pagsisimba, dahilan lamang sa simpleng projects, homeworks, reports .. etc.

Naalala ko nga si Master Bob Ong nuong idini-discuss yon samin ng isang katekista.

Yung gumagawa siya ng kanyang project, at Rosary Month pa nuon, kailangan mag-Rosary ng mga katoliko. Pero marami din namang naging instant *ibang religion* . Hindi naman lahat ng katoliko, e katoliko sa bawat oras.ย  Bagamat sa kabila ng lahat ng kasinungalingang yon, e nag Rosaryo at nag dasal pa rin sila dahil nga napakaliit na bagay lang ng project na yon .. (blah..blah..blah..)

So ayun. Wala, naalala ko lang. Haha!

Pero honestly, sa dalawang araw ng pagtiya-tiyagang paggising sa umaga ‘nun, wala akong natutunan.

Gulat ka no?

Wala akong natutunan dahil alam ko na ang lahat ng naiturong yon.

Paano nangyari?

Dahil ang katekista nagturo sa seminar e, ang nagtuturo din sa amin sa aming elementary sa Religion.

Gets mo na ba?

———————

Taumbayan: Lau! Bakit ka ba lumisan ng panandalian?

Ako: Dahil may pinagdadaanan akong problema sa aking mga kaibigan.

Lubos-lubos ang aking pasasalamat sa Maykapal dahil dininig na ang aking panalangin. Naging maluwag na ang aking paghinga at sa tingin ko e wala nang problema.

Nakausap ko na ang dalawang kampo ng aking mga kaibigan na nagiiringan at willing na silang mag-bati sa isa’t isa, pera dun sa isang nagmamatigas.

Kahapon e nakatanggap ako ng text galing sa aking kaibigan, kay Karisse. (Btw, tataasan daw ang singil sa SMS ng .05 at ang unlimited service e malamang mawawala na. Anu sila, HILO? Di pwede yun. Andami daming …. Oooppsss.. Shatap!)

Eto ang isinasaad ng SMS:

Lau, pag nakapag – YM ka at nakausap mo si EMHAR, pakisabi sa kanya na bestfriends na ulet kami. Nagising na ako sa katotohanan. Basta wag lang siyang magbago tulad ng pagkakakilala ng CareBears Family (grupo nila..) sa kanya. Thnx.

Finorward ko naman ang text na yan kay Emhar, eto ang sinagot niya:

Ayoko LAU. Ayos na yung sumayaw ng isang linggo ng Chuwariwap BFF, kesa mabalik ako sa feeling kong nagkabisyo ako.

Ano sa tingin niyo?ย  Oo alam ko, mga retarded mga kaibigan ko. Yung isa e nagising sa katotohanan, e bakit kelan siya natulog sa kasinungalingan? Yung isa naman e sasayaw ng “BFF” .ย  Pero tingin niyo e magkakabati pa kaya sila? Watchathink? Watchathink? Pakisagot lamang po sa pamamagitan ng pagco-comment.

—————————-

Uhh .. tingin ko e wakas na ng aking post, dahil hindi ko akalaing hahaba ‘to ng ganito. Haha!

Till here mga berks, At ako e magpe- Pet So pa. yee! Na-adik sa Pesbuk. Haha. Babuh!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Don’t make anyone a PRIORITY when they’re only taking you as an OPTION.

liquick.

Mayo 22, 2009 bandang 1:56 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., Special 'to., Trip ko lang. | 4 mga puna
Mga kataga , ,

Ka-weirduhan talaga ng Tootsie Roll niyo at sa titulo ng post ibinubuhos.

Anyway, hindi ko masyadong mapapahaba ang post na ito dahil mayroon akong pinagdadaan ngayong, problema. (*buntong hininga* sabay Haay ….)

Sumasabay na din sa aking lumbay ang paga-advance reading para sa paghahanda sa aking Unang taon sa High School. Pursigido talaga ang Tootsie Roll niyo matupad ang kanyang LLM- Imposibleng Pangarap!

So, magbababakasyon muna ako sa pagb-blog ng mga ilang araw. At sa susunod na linggo e magiging busy na din ako sa aking seminar para sa kumpil.

Yahoo! Ganap na akong Tao!! ๐Ÿ™‚

——————-

‘Pag nakahanap ka ng new friend
at iwan mo ako,
ok lang kahit masakit.
Love kita at dun ka masaya.
Pero pag nakita kitang umiiyak,
I’ll tap your shoulder
while saying..
“Lika nga dito,
Babawiin na kita!”

random. :P

Mayo 17, 2009 bandang 3:09 umaga | Ipinaskil sa Buhay ko ., Hahahahahaha!, High School!!, Kakatwang pangyayari sa buhay ni Lau, Special 'to., Trip ko lang. | 6 mga puna
Mga kataga , , , ,

Nakikisabay na naman ang pagtitipa ko sa keyboard, at ang pag inom ko ng Hills Bros. Cappucino, from Hawaii. (nagmayabang na naman si Tootsie..)

Anyway, mukhang nabubulok na naman ‘tong Tootsie Roll, dahil hindi ko na napagaasakyahan esteย  nalalagyan ng interesting na posts. ๐Ÿ˜€

Hmm .. wala kasi ako mai-kwento nuong mga nakaraang araw.

Well, eto na lang muna sa ngayon ..

(FLASHBACK! na miss ko ‘to! )

Kahapon e umalis kami ng bahay upang mamili ng School Supplies. Ayun. hehe.

Ayy, bigla kong naalala, naging hell pala ang buhay ko, these past week.

Gusto niyong alamin?ย ย ย  ipagpatuloy .. ..
Nuong last, last week e nag-away kami ng aking bestfriend. (Si Enrimhar..)

Dahil sa isang simpleng bagay,ย  Ang pagtutulog at ang comment.

Haay, ewan ko ba. weirdo talaga ang lola niyo. ๐Ÿ˜€

(Padaliin na natin ang kwento at baka makatulog na kayo…)

Lunes, Mayo 11. E nakatanggap ako ng komento mula sa kanya. (emhar)

Eto ang sinasaad ng nasabing komento:

Enrimhar Anne J
05/11/2009 7:54 pm
anu pa ba??ehh .. wala na nga yung GOODBYE SHOUTOUT ko!
hayyyy….. TSK.
Edi ayun. Ipinapahiwatig niya na bati na nga kami.
Kinabukasan, e nagplano sina Karisse at Loise na pumunta dito, biglaan. Pati ako nagulat e.
So ayun. E nag-pramis pala sila kay Enrimhar na pupuntahan nila.
Laking galit ni Emhar nang malaman niyang hindi makakapunta KAMI (nadamay pako…) nila Loise at Karisse sa kanila.
Dahil busy sila sa pagco-computer at tingin ko e, tinatamad na yung dalawa.
Bawat araw na lumilipas e palala ng palala ang away ng dalawang kampo. Samantalang ako e, nananahimik lang.
Hindi ako kumampi sa kahit kanino, Nasa gitna ako.
Hanggang ngayon e may alitan pa din ang ex-bestfriends na iyon.
Habang ako e dumistansya muna sa bawat isa.
Kailangan namin mag isip, magpatawad, at kumalimot. Kahit mahirap gawin.
Ano ba ang dapat gawin ng magkabilang kampong nag-iiringan, mga kaibigan? Sagutin ninyo sa pamamagitanย  ng pagco-comment. Maraming Salamat po. ๐Ÿ™‚
———————————–

UNIPORME.

Ayoko nang magsayang pa ng isa pang post para dito. Maikli lang naman ‘to e.ย  Hehe. Ibabahagi ko lamang sa inyo ang aking uniporme, malamang.
Hindi na ako mag aaksaya ng panahon upang ilathala sa inyo ang kasaysayan ng uniporme, dahil magpapahaba pa iyon dito sa unti-unti kong humahabang post.
At sa kamalasan nga naman ng lupalop ng buntot ng kabayo e, Hindi ko mahagilap ang aking USB na naglalaman ng mga kinuhanan kong litrato ng aking bago at kagalang kagalang na uniporme.
Kapag tinamaan ka nga naman ng kamalasan oh! Nakanang putris! (BAD!)
Di bale, pag pasukan na eh, pipiktyuran ko ang aking sarili, upang maipakita ko sa inyo. Pangako ko yan! ๐Ÿ˜€
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Napanuod ko ang MMK kagabi. Ang ganda. Naalala ko tuloy bigla ang barkada ko sa aking alma matter. Huhuhu … naiyak pako. Pero meron silang ipinapahiwatig na aral mula duon….

“LIFE IS SHORT.”




Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.
Entries at mga puna feeds.

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula